Ang Ikalawang Himagsik: Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya

Ni: Elijah Valencia


                    Ang ikalawang Himagsik ay nagtatalakay sa relasyon ng Moro sa mga Kristyano noon sa kapanahunan ni Balagtas. Sa panahong tayo’y nasakop ng mga Espanyol ay kasabay nito ang pagbubukas ng bagong kultura sa mga Pilipino. Nailimbag ang Doctrina Christiana noong 1953, unang libro sa Pilipinas na tungkol sa relihiyong Katolisismo, ang nagbukas ng kaisipan ng mga Pilipino na siya namang nasakop ng tuluyan. Ang mga Moro, mga Pilipinong malakas ang paninindigan sa kanilang paniniwala ay  hindi naman sangyon sa pananaw ng mga mananakop ; mga muslim, na siyang nakipaglaban upang manatili ang kanilang relihiyon at hindi tuluyang malamon ng kolonyalismong dulot ng Espanya.

                    Sa pamamalakad ng mga Espanyol, kanilang itinatag ang “religión oficial del estado”  na sapiltang nagutos sa mga Pilipino na ang tanging sampalatayaang relihiyon ng mga mamayan ay ang Katolika Apostolika Romana. Nagtulak ito sa mga Moro na lumaban at hindi magpatibag sa dayuhang paniniwala.

                   Ipinakita rin sa awit na Florante at Laura ang pagiging mabait ng mga Kristyano at ang pagiging kasuklam-suklam ng mga Moro. Hindi lang iyon ang kanyang ibig ipahwatig, nais niyang maisalaysay na hindi puro ang kabaitan ng siyang sinasabing Kristyano sapagkat ang iba ay mas masahol pa sa sinasabing mga Moro. Sinalungat rin niya ang pananaw na ang mga Moro ay mga taksil na siyang walang kabutiahang budhi. Kung kayang gumawa ng kasamaan ang siyang mabubuti gayundin naman sa masasamang taksil, imposibleng ang kabutihan sa puso nila’y naglaho nalang sa kadiliman.

                     Sinisimbolo ni Konde Adolfo ang Kristyanong hindi purong kabutihan ang nakalagak sa puso sapagkat siya’y isang taksil sa sariling bayan. At ssa kabilang dako, si Aladin na isang Moro ay iniligtas ang kaaway na Kristyano mula sa kapahamakan, si Florante. Gayundin sa Morang si Flerida na iniligtas rin si Laura, na mayroong taliwas na paniniwala, mula sa masasamang kamay ni Adolfo.

                     Naipakita dito ang “Ley Natural” o kilalang Natural na Batas, na nagsasaad na hindi harang ang anumang estado o kalagayan mo sa lipunan upang ika’y tumulong sa kapawa tao.

                     Ley Natural o ang natural na batas ay kung ano ang nalalaman ng mga tao, sa pamamagitan ng dahilan. Ito ay kung ano ang maabot ng dahilan nang walang tulong sa pananampalataya.  Ang natural na batas ay ang paglahok ng nakapangangatwiran na nilalang sa walang hanggang batas " - Sto. Thomas Aquinas ; Summa Theologica, 1a, 2ae, quest. 91, art.2.

                   Sa Himagsik na ito ipinakita ni Balagtas na ang kabutihan ng tao ay hindi napapakita ng estado o relihyon, ito’y napapadama ng iyong puso at hindi lamang sa gawa.



Pinagkuhanan:

Santos, L. K. (2016). Ang Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas at Ibá pang Sanaysay (V. S. Almario & R. T. Glory, Eds.). Ikinuha noong May 11, 2018, mula sa http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/Apat-na-Himagsik-ni-Balagtas.pdf


Iglesia Católica Apostólica Romana. (n.d.). Ikinuha noong May 11, 2018, mula sa https://es.orthodoxwiki.org/Iglesia_Católica_Apostólica_Romana

http://rizalarchive.blogspot.com/2013/08/balagtas-diyalektikat-materyalismong.html



Comments